-- Advertisements --
daing na pusit
daing na pusit

Hindi sang-ayon ang minorya sa Kamara sa planong buwisan ang mga maalat na pagkain.

Pahayag ito ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na ikinokonsidera nilang imungkahi na buwisan ang mga maalat na pagkain kasunod ng report ng World Health Organization (WHO) na lagpas sa kanilang rekomendasyon ang salt consumption ng mga Pilipino.

Ayon kay Abante, naiintindihan niya ang “rationale” sa pagbubuwis sa mga nakakalasing at matatamis na inumin sapagkat maituturing ang mga ito bilang “inessential food items” na nakakasama sa kalusugan ng tao.

Subalit hindi aniya ito dapat magsilibing basehan para buwisan naman ang mga maalat na pagkain, na kadalasan mga mahihirap ang mga kumakain.

“Ang pagkain––maalat man o hindi––pangangailangan yan, hindi luho. (Food––salty or not––is a basic need, it isn’t a vice.) Many food items, when not eaten in moderation, are potential health risks. It is the DOH’s responsibility to inform our citizens about this. In this regard, education, not taxation, should be the focus of our health department,” giit ni Abante.

Sang-ayon naman daw siya na mayroong mga pagkain na nakakasama sa kalusugan kung sobra pero trabaho naman aniya ng DOH na paalalahan ang publiko hinggil sa usapin na ito.