-- Advertisements --

Hindi pabor si Agusan Representative Dale Corvera na makialam ang International Criminal Court (ICC) lalo na ang pag iimbestiga nito sa dating Pangulo ng bansa.

Ayon sa Mindanao solon isang insulto para sa bansa ang gagawing imbestigasyon ng ICC.

Si Corvera ay kabilang 18 mambabatas na nagkaisa para ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y crime of humanities, madugong giyera kontra droga.

Si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang nanguna sa paghain ng House Resolution No 780 na pinamagatang A Resolution In Defense of Former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Philippines.

Ipinunto ni senior deputy speaker GMA na ang Pilipinas ay kumalas na sa pagiging miyembro ng ICC noon pang 2019.

Sa pahayag ni CongW. Arroyo, nais niyang matiyak ang patas na hustisya para sa lahat, dahil siya ay minsan na umanong nabiktima ng “unfair investigation at prosecution” noong administrasyong Aquino.

Kung maalala dinismiss ng Supreme Courte ang PCSO plunder case ni CGMA nuong 2016 sa simula ng Duterte administration.

Binigyang diin din sa HR 780 na katangitangi ang naging accomplishments ni dating Pangulong Duterte sa giyera nito kontra droga, insurgency, separatism, terorismo, korapsyon sa gobyerno at kriminalidad na nakatulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino bilang mahusay, komportable at matiwasay.

Ipinunto din ni Congressman Corvera na ang intensiyon ng ICC para magsagawa ng imbestigasyon sa anti-drug campaign ni Digong ay hindi katanggap-tanggap.

Aniya gumagana ang independent na sistema ng batas sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Corvera na naniniwala ang 18 mambabatas na hindi dapat makialam ang ICC lalo at ang kanilang iimbestigahan ay dating Pangulo ng bansa.

Nakaantabay din ang mambabatas sa magiging susunod na hakbang ng Kamara hinggil sa inihaing resolusyon.