-- Advertisements --

Wala na munang aasahang updates mula kay Heart Evangelista kaugnay sa plano nitong makabuo na ng panganay nilang anak ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Heart, plano nya talaga ang magka-anak, ngunit mas gusto raw na maging pribado na lang ang mga preparasyon.

Matatandaang nagkaroon ng “miscarriage” ang aktres noong nakalipas na taon, kaya labis niya itong dinamdam.

Dagdag pa nito, kung maglalabas man siya ng update sa kaniyang plano ay nais niyang ito ang anunsyo na mayroon na silang anak ni Chiz.