-- Advertisements --

Napigilan umano ng Philippine National Police (PNP) ang planong pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Metro Manila partikular ang pag-deploy ng kanilang mga urban guerrila units na inatasang maglunsad na terroristic activities sa kalakhang Maynila.

Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas ang nasabing plano ng CPP-NPA ay bahagi ng hakbang ng grupo para buhayin ang kanilang armed city partisan units at ang mga miyembro nitong mga hit squads ang siyang idi-deploy para sa kanilang misyon sa mga siyudad.

Sinabi ni Sinas, dahil sa pinalakas na anti-criminality and anti-terrorism campaign sa Calabarzon region nakumpiska ng mga otoridad ang samu’t saring high-powered firearms at mga pampasabog na umano’y na acquired ng CPP-NPA bilang parte ng kanilang planong pag-atake laban sa mga government forces.

Ayon kay Sinas, ang Region 4A kasi ay iitinuturing na strategic covert entry points ng mga armas at mga pampasabog na ibinibiyahe at kanilang ipo-position sa Metro Manila.

Tukoy na rin ng PNP ang mga lugar na tina-target ng NPA sa kanilang terroristic activities.

Batay sa inteligence report na nakalap ni PNP CIDG director M/Gen. Albert Ferro ang mga lugar sa mayroong isan active underground house ang CPP-NPA sa Laguna at Batangas kung saan iniimbak ang mga nasabing armas.

Samantala, ayon naman kay PNP Directorate for Operations M/Gen. Alfred Corpus, pinalakas ng PNP ang kanilang security measures at maging ang kanilang anti-insurgency campaign.

Sa ngayon nasa offensive mode ang mga kapulisan para tiyakin hindi magtagumpay ang mga planong pag-atake ng CPP NPA.

“We considered them as the number 1 threat to national security the CPP-NPA so that means the threat is continuing so talaga ang ating mga kapulisan so hindi lamang kami pati ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay talagang laging nakahanda laban sa kanila,” pahayag pa ni Gen. Corpus.