-- Advertisements --
EDSA Traffic
Photo © PageOne.ph

Kinuwestiyon ng ilang kongresista ang planong pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa EDSA.

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na malaking katanungan sa kanya kung saan nanggaling ang batayan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa planong ito.

Kung tutuusin, limang porsiyento lamang aniya kasi ang mga provincial buses na dumadaan sa EDSA kompara naman sa 95 percent na city buses.

Samantala, iginiit ni MMDA Taskforce Special Operations Head Bong Nebrija na ang EDSA ay hindi dapat tayuan ng mga bus terminal sapagkat hindi naman ito nakadisenyo para rito.