Nilinaw ng DILG na wala pang pinal na desisyon sa planong pagbubukas ng mga negosyo sa Tagaytay ridge na labas sa danger zone.
Ayon DILG Director Edgar Allen Tabel, na kasalukuyang pinag-aralan ng DILG kung may mga posibleng paglabag sa batas ang planong ito.
Paliwanag ni Tabell, sa ilalim ng batas ang local na pamahalaan ang responsable sa kaligtasan ng kanilang mga mamayan at hindi basta basta pwedeng panghimasukan ng pambansang pamahalaan ang desisyon ng local chief executive.
Pero kinukunsidera din aniya ng DILG ang kaligtasan ng mga mamayan na nasa labas ng mga naturang LGU na mahihikayat na pumunta sa lugar dahil sa muling pagbubukas ng mga negosyo sa lugar.
Sa ngayon nangangalap pa ng mga impormasyon ang DILG kung talagang may panganib sa mga mamamayan ay maglalabas ng kaukulang memorandum circular si DILG Sec. Eduardo Año.
Maari din aniyang gamitin ang Police powers ng DILG para ipatupad ang kanilang desisyon kung kakailanganin.