-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Sang-ayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Cordillera sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagang gumamit ng baril ang mga bumbero.
Ayon kay Fire Chief Superintendent Maria Sofia Mendoza, regional director ng BFP-Cordillera, kailangan nilang gumamit na rin ng armas dahil naranasan nilang magresponde sa mga insidente ng sunog na may mga nakikipag-agawan sa sa kanila ng hose at mayroong nananakit sa mga bumbero.
Igiit nito na ang pagiging armado ng mga bumbero ay magiging proteksyon sa kanilang sarili sa paggawa sa kanilang tungkulin.
Tiniyak ng opisiyal na kapag tuluyan nang maisagawa ang plano ng pangulo ay hindi aabusuhin ng mga bombero ang paggamit nila ng baril.