Dinepensa si Executive Secretary Lucas Bersamin ang planong pagkuha ni Pangulong mFerdiand Marcos Jr., ng mga talunang kandidato para isama sa kaniyang gabinete.
Sa isang pahayag sinabi ni Bersamin na hindi pwedeng pigilan dahil saklaw ito ng kaniyang kapangyarihan.
Sinabi ni Bersmain na, prerogative ng chief executive ang pumili kung sino ang gusto niyang italaga sa pwesto o kuhaning maging miyembro ng kaniyang gabinete.
Ang pahayag na ito ni Bersamin ay kasunod sa mga nagmumungkahi na huwag nang kuhanin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga talunang kandidato noong 2022 national elections.
Binigyang-diin ni Bersamin na matalino naman ang pangulo at pinipili nito ang mga taong alam niyang magaling at tapat na magsilbi.
Marami aniyang magagaling at mabubuting tao, at kung gusto aniya ng pangulo na palitan ang ilang miyembro ng kaniyang gabinete, saklaw ito ng kaniyang kapangyarihan o political power.
Ayon kay bersamin, hindi rin naman pwedeng pagbawalan ang sinumang tao na tumakbo dahil gustong maglingkod sa bayan.
Magugunita na umapela si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa Pangulo na huwag na sanang kumuha pa ito ng mga natalong kandidato noong nagdaang eleksyon lalo na ang mga nagbabalak na tumakbo sa 2025 mid-term elections.