-- Advertisements --

Kailangan umanong pag-aralan muna nang maayos ang panukalang luwagan pa ang alert level status sa National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Department of Health (DoH) Usec Maria Rosario Vergeire, nais muna nilang ma-assess kung epektibo nga ba ang bagong sistema o ang granular lockdown.

Iginiit ng undersecretary na masyado pang maaga para matukoy kung may improvement na dahil isang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang ilunsad ang alert level system sa Metro Manila.

Maliban pa dito, tinitignan din ng ahensiya ang pagsunod ng publiko sa mga ipinatutupad na health protocols, vaccination rate at detection at isolation ng covid positive patients bago maglabas ng assessment sa pagpapatupad ng alert level system.

Pinagbabasehan ng DoH sa pagtukoy ng alert level classification sa isang lugar ang health care utilization rate, average daily attack nrate at bilang ng bagong covid cases.

Una rito, inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Xhairman Benhur Abalos na posibleng ilagay sa mas maluwag na Alert Level 3 ang NCR dahil sa nakikitang magandang reproduction rate ng covid sa rehiyon.