-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naniniwala ang Sanguniang Kabataan (SK) Federation sa lunsod ng Baguio na may mabuti at masamang epekto ang planong pagpapaliban sa 2020 Barangay and SK elections.

Ayon kay SK Federation president at Councilor Levy Lloyd Orcales, may 50 porsyentong mabuting dulot ang naturang plano ngunit mayroon din itong 50 porsyento masamag idudulot.

Ipinaliwanag niya na isa sa mga mabuting idudulot ng planong pagpapaliban ay ang extensiyon ng panunungkulan ng mga opisial ng barangay at SK.

Tiniyak ni Orcales na kapag nabigyan sila ng karagdagang panahon para manilbihan ay gagawin nilang ang kanilang buong makakaya para sa ikabubhuti ng Baguio City.

Gayunpaman, sinabi ni Orcales na isa sa mga magiging problema ay ang patuloy na pagreklamo ng mga mamamayan kontra sa SK dahil ayon sa ilan ay walang ginagawang mabuti ang mga chairman at opisyal ng pederasyon.