-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na magiging madugo at mapanganib para sa mga terorista kung talagang ipipilit ng mga ito na ipursige ang kanilang masamang balakin na isabotahe ang mga aktibidad ng ASEAN Summit.

Sa panayam kay Dela Rosa kaniyang sinabi na parang nag-suicide ang teroristang grupo kung itutuloy nila ang kanilang planong pananabotahe.

Sinabi ni PNP chief na handang handa ang PNP sa kanilang seguridad lalo na sa susunod na linggo na dito sa Metro Manila gaganapin ang ASEAN Summit.

Sa kabila ng naganap labanan sa Bohol kung saan nakasagupa ng militar ang bandidong Abu Sayyaf noong nakaraang linggo, siniguro ni Dela Rosa na wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad lalo na ASEAN Summit lalo na sa grupong Abu Sayyaf at Maute Terror Group.