-- Advertisements --

Naniniwala ang isang mambabatas na isang desperadong aksiyon ang planong pagtakbo muli ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 2028 presidential elections.

Ayon kay Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega ang plano ng dating pangulo ay pagbabawela nito sa constitutional limitations.

Sinabi ni Ortega aminadong olats o talo na ang kanilang manok at wala ng talagang ibang baraga sa dami ng negatibong mga isyu na kanilang kinakaharap.

Buking na buking din ang kampo ni ex-PRRD na hindi sila Pro Pinoy kundi Pro-China.

Giit pa ni Ortega sa ilalim ng 1987 Constitution mahigpit na ipinagbabawal na ang isang Pangulo ay tatakbo muli.

Ayon sa Kongresista, hindi na pwedeng tumakbo muli si ex-PRRD maliban na lamang kung amyendahan ang konstitusyon.

Binalaan din ni Ortega ang publiko na magpadala sa mga political manuevers ng kabila dahil ito ay isang malinaw na pambubudol.

Ang ginagawa ngayon ng kampo ni Duterte ay malinaw na isang divertionary tactic upang ilihis ang publiko sa totoong isyu.

Panawagan naman ni Ortega sa sambayanang Pilipino na dapat unahin ang interest nang bansa at tanggihan ang mga deperadong political moves.