-- Advertisements --

asgsabah1

Matagumpay na nabuwag ng Philippine Marines at ng kanilang Malaysian counterpart ang planong pagtatag umano ng Abu Sayyaf group (ASG) ng kanilang terrorist cell sa Sabah, Malaysia na sana’y staging area para sa kanilang panibagong kidnap for ransom activities.

Ito ay matapos matagumpay na naaresto ng Philippine Marines at Malaysian authorities ang walong Abu Sayyaf terrorist members kabilang ang dalawang notorious ASG sub-leaders na sina Sansibar Bensio at Mabar Binda sa may Jalan Taman Sri Ajuna, Beaufort, Sabah noong May 8.

Sinasabing malaki ang epekto sa teroristang grupo ang pagkakaaresto sa walong ASG members.

Sina Bensio at Binda ay sangkot sa mga high-profile crimes dito sa bansa at kasalukuyang nasa kustodiya ng Malaysian authorities.

asgsabah4

Ayon kay 4th Marine Brigade commander Col. Hernani Songani, batay sa kanilang monitoring, nilisan ng teroristang grupo ang Sulu dahil nahihirapan ang mga ito ipagpatuloy ang kanilang terroristic activities sa probinsiya bunsod sa pinalakas na military operations.

Sinabi ni Songano, mahigpit nilang tinutukan ang grupo nina Bensio at Binda na mga notorious kidnap for ransom group.

Naniniwala ang opisyal na may plano pa ang ASG na maglunsad ng kidnap for ransom activities.

Pero dahil sa pinalakas ang ugnayan at koordinasyon Pilipinas at Malaysia ‘di na nila matuloy ang kanilang mga masasamang plano.

asgsabah3