Naalarma ang Masungi Georeserve Foundation kaugnay sa isinagawang area inspection ng mga personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa umano’y relocation site ng New Bilibid Prison sa loob ng bisinidad ng geopark na nasa southern Sierra Madre range.
Ayon sa Masungi, nasa 20 kawani ng ahensiya ang nagtungo sa georeserve na nagsagawa ng inspection at security threat assessment.
Ayon pa sa foundation, ang Lot 10 property na may mahigit 270 ektarya na nakapangalan sa BuCor ay tahanan sa fragile limestone formations ng Masungi Georeserve at na-equitize sa isang joint venture sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Blue Star Construction and Development Corp, na siyang nagpopondo sa conservtion efforts ng grupo.
Dagdag pa dito, bahagi din aniya ang naturang lote sa ilang protected at conserved areas.
Iginiit ng grupo na ang planong pagtatayuan ng relocation site ng Bilibid ay mabundok at hindi kayang pagtayuan ng gusali.
Base din aniya sa mga scientist mula sa National Museum of the Philippines, sinabi ng Masungi na ang proyekto ay mayroong expensive consequenses sa panig ng gobyerno.
Hindi din aniya kinonsulta muna ang mga komunidad sa lugar na tutol sa naturang proyekto.
Kaugnay nito, umapela ng Masungi sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr at kay DENR Secretary Toni Loyzaga na magtalaga ng competent project manager para maresolba ang conflicts sa lugar at mapigilan ang issuance at aplikasyon ng unscrupulous instruments sa Masungi.