-- Advertisements --

Ibinunyag ni AFP chief of staff General Eduardo Año na planong sunugin ng Maute-ISIS group ang buong siyudad ng Marawi na layong gawing impyerno ang buong siyudad.

Sinabi ni Año na nasurpresa ang teroristang grupo ng makita ang mga raiding security forces sa safehouse ni ASG leader Isnilon Hapilon na itinuturing “Amir” ng teroristang grupo na matatagpuan sa may Barangay Basak Malutlut.

Nakuha nila ang nasabing impormasyon mula sa isang reliable source.

“The terrorist Maute-ISIS Group was surprised by raiding security forces in that safehouse in Brgy. Basak Malutlut, Marawi occupied by Isnilon Hapilon – the taunted “Amir” of ISIS in the Philippines,” ayon kay General Año.

Inihayag ni chief of staff na dahil sa isinagawang pagsalakay ng militar sa kuta ni Hapilon kaya napigilan ang tangkay panununog.

Ayon naman kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na ito ang dahilan kung bakit agad nakapag pull out ng sabay sabay ang mga teroristang grupo para maglunsad ng simultaneously-counter actions sa iba’t ibang lokasyon sa siyudad para ma distract ang pokus ng ng raid.

Sa ngayon pumalo na sa 61 patay mula sa Maute-ISIS group 42 ang physically accounted habang ang 19 ay batay sa pahayag ng mga testigo.

Nasa 37 high-powered firearms kabilang ang isang .50 Caliber heavy machine gun at apat na low powered firearms ang nakumpiska ng militar.

Samantala nasa 390 na mga sibilyan naman ang na rescue ng militar at may mga report pang nakukuha ang militar na marami pang sibilyan ang na trapped dahil sa crossfire.