-- Advertisements --
Umalma si Philippine National Police (PNP) chief police dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa plano ng Human Rights ng Amerika na imbestigahan ang war on drugs ng Pilipinas.
Sa panayam kay Dela Rosa, kaniyang sinabi na wala siyang nakikitang rason o dahilan para paimbestigahan ng Estados Unidos ang giyera kontra sa mga kaso ng iligal na droga sa Pilipinas.
Giit ni Dela Rosa na hindi naman bahagi ng estado ng Amerika ang Pilipinas kung kaya wala silang pakialam sa mga kampanya na inilulunsad ng pamahalaan.
Dagdag pa ng PNP chief, may sariling soberenya ang ating bansa bagama’t bukas naman aniya sila sa anumang imbestigasyon.
Kinikwestiyon din nito ang rason at motibo ng human rights ng US sa kanilang planong pag-iimbestiga sa war on drugs ng Pilipinas.