-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tuluyan nang iniwan ng mga trabahador ang plantasyon ng saging na pagmamay-ari ng Kabus Padatuon (KAPA) sa Barangay San Jose, lungsod ng General Santos.

Ito’y matapos kinumpirma ni Geraldine Zamorra ng Permit and Licensing Office na wala nang katao-tao ang lugar matapos silang magsagawa ng on site visit.

Isa ito sa pag-aaring nabili nina Joel at Reyna Apolinario kung saan ang mag-asawa pa ang nagtanim ng nasabing mga saging.

Ayon kay Zamorra, halos sira na ang dating luntiang lugar dahil wala nang may nagmalasakit sa mga puno ng saging at bunga nito.

Binisita na noon ni Zamorra ang lugar matapos magreklamo ang mga trabahador dahil hindi naibigay ang kanilang sahod.

Maliban dito, tinitingnan din ng nasabing tanggapan ang iba pang negosyo ng KAPA at estado nito.

Napag-alaman na may gasoline station, convention center, fishing boat plantation, at minahan na nakapangalan kay Reyna Apolinario.