Hindi na raw ire-require sa mga public utility vehicles (PUVs) na maglagay pa ng plastic dividers na para hindi magdikit-dikit ang mga pasahero simula sa Nobyembre 4, araw ng Huwebes.
Sa parehong araw din ay ipatutupad na ang 70 percent sitting capacity sa mga PUVs.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor, wala rin naman kasi umanong medical findings na makakaiwas sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang paglalagay ng plastic barriers.
Aniya ang mga barriers ay maaari pang kapitan ng virus dahil ito ay gawa sa plastic material.
Kung maalala, ni-requre noon ang paglalagay ng plastic barriers para makasunod sa 50 percent capacity rule sa public transport.
Samantala, sa gitna ng mga adjustments sa mga pampublikong sasakyan, muli namang iginiit ng Department of Transportation (DoTr) na kailangang sundin ang health safety measures.