Inalala ng platinum-selling Danish pop star na si Christopher ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Filipino fans sa kanyang mga naging pagbisita sa Pilipinas.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 29-year-old singer-songwriter, ibinahagi nito ang ilan sa hindi niya malilimutang karanasan habang nasa bansa.
“I remember we had some very delicious food. The people were so sweet and I was so surprised that people were singing along [to my songs], and screaming ‘You’re so handsome, Mr. Christopher!’ That is so sweet. I can’t wait to come back,” saad ng singer.
Ibinahagi nitong dapat rin sana ay magkakaroon siya ng Asian tour ngayong taon.
Hindi man ito natuloy ay looking forward siya na makabalik sa bansa at thankful ito sa mga fans sa patuloy na suporta sa kanya. Huli ngang nagtanghal sa bansa si Christopher noong taong 2019 bago ang pandemya.
“I was supposed to be out there with you guys right now. I hope that whenever you guys are ready to rock and roll, I’ll be the first one that you guys call, because I’ll be there in a heartbeat.”
Samantala, may bagong treat si Christopher para sa mga fans at ito ang kantang “If It Weren’t For You” na inspired ng kanyang mga experiences sa panahon ng pandemic.
Nag-iwan naman ito ng mensahe para sa kanyang mga Filipino fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.
“To all my Filipino fans, thank you so much for supporting me and showing me love over these past years! Thank you for still listening. I hope you guys are staying healthy. I know this is a very tough time. I’ve been through it. We’ve all been through it, but there’s finally a light at the end of the tunnel so keep the spirits up and hopefully, I’ll see you guys soon. I’ll be looking forward to that.”
Nakilala si Christopher sa kanyang mga hit songs na “Heartbeat”, “Against The Odds”, at “Bad Boy” kasama ang K-pop star na si Chung Ha.