Nakakapit pa rin ang Detroit Pistons sa kanilang pangarap na makapasok sa playoffs makaraang magapi nila ang Memphis Grizzlies, 100-93.
Kumolekta ng 20 points at 17 rebounds si Andre Drummond, at si Ish Smith na naduplika ang season high niyang 22 points para sa Pistons, na kasalukuyang nasa final spot ng Eastern Conference.
Kumayod nang husto ang Detroit sa second half upang ibangon ang kanilang koponan mula sa 19-point halftime deficit.
Ito na ang pinakamalaking comeback na ginawa ng Pistons buhat nang mabaon sa 23 points upang dominahin ang Seattle noong 1989.
Nalimitahan naman si Blake Griffin sa limang puntos at dalawang rebounds sa loob ng mahigit 18 minuto.
Umasiste rin si Luke Kennard na ibinuhos ang 12 sa kanyang 15 puntos mula sa bench sa second half.
Binuksan ng Detroit ang fourth sa pamamagitan ng kanilang 16-3 bomba upang matapyasan sa tatlo ang kanilang agwat.
Nagpakawala ng 3-pointer si Smith upang maitabla ang iskor, at isang go-ahead jumper sa kalagitnaan ng huling yugto.
Kapwa namang tumipa ng 15 points sina Delon Wright at Bruno Caboclo, maging si Tyler Dorsey na humugot ng 12 para sa Grizzlies. (AP)