Pinawi ngayon ng higanteng telco na Philippine Long Distance Company (PLDT) ang pangamba ng kanilang mga kliyente dahil daw sa posibleng maapektuhan sa gagawing emergency maintenance simula bukas.
Magsisimula ang pagsasaayos ng kanilang submarines cables na nasa ilalim ng karagatan na komokonekta patungong Hong Kong simula alas-8:00 ng umaga bukas hanggang sa araw ng Miyerkules ng alas-5:00 ng madaling araw.
Una rito, nangamba ang ilang kunsumidores, pati ilang mga estudyante at paaralan dahil sa ipinapatupad ngayon na online classes.
Pero tiniyak naman ng naturang telecom company na magpapatuloy pa rin ang kanilang internet connection at maging ang landline telephone dahil meron naman silang inihandang alternatibo habang isinasagawa ng operator ng international trans-Pacific submarine cable system Asia-America Gateway (AAG) ang maintenance ng kanilang international cable systems.
“We wish to assure our customers of continued connectivity, as we have alternative cable systems to keep our services going during this maintenance period of AAG. PLDT and its mobile arm Smart assure customers that measures, such as traffic rerouting and local caching, are already in place to minimize this activity’s impact, and to ensure that communication and internet services remain available to PLDT and Smart subscribers. These measures will allow PLDT and Smart to fully serve, during this time, all customers at full capacity by using the spare and additional capacities on all other cable systems,” bahagi pa ng advisory ng PLDT.