-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinupok ng apoy ang bodega na maraming laman ng combustible materials na pagmay-ari ng Philippine Long Distance Telecommunications Co. (PLDT) na nakabase sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.

Inihayag sa Bombo Radyo ni Bureau of Fire Protection (BFP) Carmen sub-station commander Senior Fire Officer 3 Samson Velarde na inaalam pa nila ang pinagmulan ng apoy na nagdulot ng malaking sunog.

Sinabi ni Velarde na itinaas nila sa 4th alarm ang sunog upang mapadali ang pag-apula ng sunog.

Wala namang naitala na mga taong sugatan nang maganap ang sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad kung magkano ang danyos ng sunog.