COTABATO CITY – “YES” ang naging resulta sa ginanap ng plebesito kahapon, araw ng Sabado.
Pumalo sa 99.27% ng 712,857 ang bomoto ng yes sa paghahati ng Maguindanao.
Naging matagumpay at naging mapayapa ang naging kabuuang paggulong ng plebesibo sa paghahati ng Maguindanao noong Sabado, September 17.
Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay Maguindanao Police Provincial Public Information Officer, Police Maj. Regie Albellera, sinabi nito na ang Police Regional Office – Bangsamoro Authonomous o PRO-BAR ay nagkaroon ng “Intensive Security and Law Enforcement Operation” at “Maximum deployment of PNP” upang masiguro ang seguridad ng mamamayang bangsamoro sa oras ng botohan.
Sa naging plebesito, tatlumput anim o 36 municipalities ng lalawigan ng Maguindanao ang bomoto at ito ay nagsimula Alas-7 ng umaga, at nagtapos ng Alas-3 ng hapon.
Sa paglibot-libot ng Star FM Cotabato news team sa mga municipiyo ng lalawigan, kapansin-pansin ang pagsuporta ng mga mayor ng mga bayan sa probinsya sa paghahati ng Maguindanao.
“Ang pinaka-advantage talaga nito, kung ano man ang magiging problema ay madaling matutugunan ng governor kasi maliit lang ang iniikutan ng mga munisipyo, kumpara sa dati ng 36, ngayong 12 nalang. So para dito sa amin (Talitay Municipality) matutukan na kami dahil malapit lang ang magiging kapitolyo kung manalo ang YES”. – Talitay, Maguindanao Mayor Sidik Amiril.
“Advantage ito para sa amin dahil magiging magaan ang development, ang peace and order, dalawang provincial governor, at mas magiging malapit ang gobyerno para sa tao.” – Talayan, Maguindao Former Mayor Datu Ali Midtimbang.
“Mas maraming tayong programa na matutukan na ng ating mahal na gobernador, mas maraming matutulungan, at mas madali ang mga serbisyo na mapaabot sa mga mamamayan ng Maguindanao.” – Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao Mayor Mary Joy Estephanie U. Midtimbang.
“Makakabuti ito para sa lahat dahil sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang access ang taong-bayan sa serbisyo ng gobyerno, kaya suportado ako sa division ng probinsya.” – Rajah Buayan, Maguindanao Mayor Datu Yacob Ampatuan.
“Marami ang magiging advantage nitong paghahati ng Maguindanao, dahil itong si governor ay mapagtuunan niya na ng pansin ang mga municipalities na napaloob sa kanya. Also, madadagdagan dito ang mga opportunies for employment ng ating mga kababayan.” – Sultan Sa Barongis, Maguindanao Mayor Allandatu Angas Sr.
Samantala, nagpapasalamat naman si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa lahat ng sumuporta sa paghahati ng Maguindanao dahil nasa mahigit 70 percent ang naging turn out ng mga botante sa nangyaring plebesito.
“Matagal ng pinapangarap, minimithi ng buong lalawigan ng Maguindanao na mahati ito o ma-ratify ang RA 11550. I believe, the province of Maguindanao, soon will be divided into two, Maguindanao Del Norte and Maguindanao Del Sur, so maraming maraming salamat sa inyong lahat na mga sumuporta.” – Ani Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.