Maaari umanong maidaos ng Commission on Elections ang plebisito para sa people’s initiative kasabay ng 2025 midterm elections.
Subalit ito ay mangyayari lamang kung magpasya ang bagong liderato ng Senado sa ilalim ni Senate President Chiz Escudero na ipasa ang Resolution of Both Houses number 6 na nagsusulong sa economic amendments.
Sinabi din ni Comelec chairman George Erwin Garcia na kung isasabay ang charter change sa isang national o local election o sa Barangay at Sk Elections kayat itong isagawa ng poll body nang walang karagdagang gastos bagamat hahaba lang ang balota.
Gayunpaman ang pagsasagawa aniya ng plebisito nang labas sa scheduled midterm electins ay hindi na kayang i-accommodate ng poll body ngayong taon o sa susunod na taon.
Samntala, iginiit naman ng Comelec chairman na mananatil pa rin ang suspensiyon ng Comelec sa People’s initiative.
Matatandaan na una ng inaprubahan ng Kamara ang RBH6 noong nakalipas marso.