DAVAO CITY – Positibo si Comval Rep. Maria Carmen Zamora na magtatagumpay ang isasagawang plebisito sa lalawigan sa buwan ng Disyembre kung saan mula sa Compostela Valley ay papalitan na ito ng Davao de Oro.
Ayon pa sa opisyal na sa kasalukuyan ay patuloy ang kaniyang isinasagawang kampanya sa mga residente ng ComVal na bomoto pabor sa pagpapalit ng pangalan sa lalawigan lalo na at ito na lamang ang nag-iisang lugar sa Region 11 na walang Davao sa pangalan.
Naniniwala rin ang lokal na pamahalaan ng ComVal na kung mapapalitan na ito ng Davao del Oro, marami na ang makakakilala sa kanilang lugar at mapapaunlad pa nila lalo ang kanilang turismo.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng pangalan sa ComVal at tanging plebisito na lamang ngayon ang hinihintay.