-- Advertisements --
image 446

Naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang Plebisito na isinagawa sa Marawi.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, bumisita siya sa mga voting center upang suriin ang sitwasyon at sinabing aabot sa mahigit 90% ang voter turnout.

Iniulat naman ng NAMFREL na sa pangkalahatan ang plebisito ay mapayapa, at ang mataas na voter’s turnout ay maaaring maiugnay sa kasabikan ng mga tao na bumoto.

Napansin din ng ahensya na nagkaroon ng mataas na turnout ang mga kabataang botante ngayon kumpara noon.

Nag offer rin ng libreng transportasyon para naman sa mga gustong pumunta sa mga voting center, isang proyektong sinimulan ng pamahalaang lungsod bago ang plebisito.

Idinaos ang Marawi plebisito upang pagtibayin ang paglikha ng Barangay Boganga II at Datu Dalidigan.

Kinilala ng Comelec ang NAMFREL bilang sandata ng mga mamamayan para sa Marawi Plebiscite at para sa mga elektoral na pagsasanay

Ang NAMFREL Lanao del Sur ay nagtalaga rin ng mga pangkat ng mga boluntaryo upang obserbahan ang mga pamamaraan sa araw ng plebisito sa dalawang sentro ng pagboto.