CENTRAL MINDANAO-Pinagpaliban ng Commission on Election (Comelec) ang plebisito sa paghahati ng Maguindanao sa dalawang probinsya.
Ayon kay Atty James Jimenez na nakatuon sila ngayon sa paghahanda sa darating na 2022 national and local elections at masyado na umanong gahol ito sa panahon.
Ito ay base sa inilabas na resolusyon 10716 ng Commission on Elections o COMELEC.
Pagkatapos ng May 9, 2022 National and Local Elections, doon na pagpapasyahan kung kailan ang petsa ng plebisito sa Maguindanao.
Hindi lamang ang pagratipika sa dibisyon ng Maguindanao sa dalawang probinsya kabilang na rito ang mga sumusunod;
• The plebiscite to ratify the creation of Barangay New Canaan into a regular and district barangay in the municipality of Alabel, Sarangani
• The plebiscite to ratify the merging of Barangay District 1 and Barangay District 28 and the renaming of Barangay 29 in Ormoc City;
• The plebiscite to ratify the conversion of the municipality of Calaca in the province of Batangas into a component city at
• The plebiscite to ratify the conversion of the city of San Jose Del Monte into a highly urbanized city
Nilinaw ni Atty Jimenez na wala namang dapat ipangamba ang publiko kung sakaling maantala ang gagawing plebesito 90 araw matapos malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil pwede na man itong ireset.