-- Advertisements --

Itinuturing ng Commission on Election (Comelec) na matagumpay ang g inawang plebisito sa batas na naghahati sa tatlo probinsiya ang Palawan.

Sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez, na kahit nasa 50-60 percent ang voter turnout kumapara sa national average 75 percent ay mataas pa rin ito sa naunang estimate na bilang ng COMELEC.

Mayroong kabuuang 2,956 na clustered precints ang nagbukas ng ala-siyete ng umaga sa 23 bayan ng Palawan.

Base sa unofficial results na nanaig ang pagpabor ng karamihan na hatiin sa tatlong probinsiya ang Palawan.

Kinabibilangang ng Palawan del Sur, Palawan del Norte at Palawan Oriental.

Sakop ng Palawan del Sur ang mga southern towns na binubuo ng Aborlan, Balabac, Bataraza, Sofronio Espanola, Kalayaan, Narra, Quezn at Rizal na ang magiging capital ay ang Brooke’s Point.

Habang ang Palawan del Norte ay masasakupan ang bayan ng Busuanga, Coron, Culion, El Nido at Linapacan na magiging capital nito ay Taytay.

Binubuo naman ng Palawan Oriental ang bayan ng Agutaya, Araceli, Cagayancillo, Cuyo, Dumaran, Magsaysay at San Vicente na ang Roxas ay magiging capital.