-- Advertisements --

Nagpasya ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kanselahin ang kanilang plenary assembly na gagawin na sana sa susunod na buwan.

Ito ang unang pagkakataon na nakansela ang planery assembly ng CBCP, na bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Fr. Marvin Mejia, secretary-general ng CBCP, kanselado na rin ang taunang retreat din ng mga Obispo na idinadaos pagkatapos ng plenary assembly.

Ang plenary assembly ay isa sa dalawang taunang pagtitipon ng mga obispo, na ginaganap sa Pope Pius XII Center sa Maynila mula Hulyo 11 hanggang 13.