Sa unang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao ang plenary assembly para sa 128th Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Nakatakda ito sa susunod na linggo, mula July 6 hanggang July 8, 2024.
Inaasahang mahigit 80 Filipino bishops ang dadalo sa bi-annual assembly na gaganapin sa Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City.
Inaasahang magsisimula ang naturang assemply sa pamamagitan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang kasalukuyang presidente ng CBCP.
Ilan sa mga posibleng magiging agenda sa naturang pagpupulong ay ang pagluklok ng chairman para sa ibat ibang committee ng kinabibilangan ng Commission on Catholic Education, Sub-commission on Retired, Sick, and Elderly Priests, Sub-commission for Permanent Deacons, at Office for the Postulation of the Causes of Saints.
Inaasahan ding magkakaroon ng dagdag na diskusyon sa mga aktibidad na isasagawa para sa Jubilee 2025 celebrations sa Pilipinas.
Bago ang assembly, magkakaroon muna ng retreat ang mga arsobispo mula July 2 hanggang july 4 sa Transfiguration Abbey na pinapatakbo ng mga Benedictine Monks sa Malaybalay City, Bukidnon.
Sa kasalukuyan, ang CBCP ay binubuo ng 83 na aktibong arsobispo, limang priest administrator, at 39 honorary members na pawang mga retiradong arsobispo.