Tinapos na ng Senado ang plenary debates para sa panukalang P5.268 trillion budget sa taong 2023.
Dakong 1:41 nitong umaga ng Biyernes ng natapos na ng Senado ang debate para sa 2023 General Appropriation Bill.
Nagsimula ang plenary debate ng nasabing budget ay noong Nobyembre 8.
Pinakahuling inaprubrahan na ng Senado ang mga budgets ng mga sumusunod na departamento at ahensiya sa ilalim ng Senate version ng GAB gaya ng P26.154 billion ng Congress of the Philippines, P9.7 billion budget ng Philippine Statistics Authority, P24.665 billion budget ng Department of Science and Technology, P193.343 million budget ng National Commission on Senior Citizens, P35.463 billion budget ng Commission on Higher Education at P215.333 billion budget ng Department of Health.
Sa nagdaang anim na araw na plenary debates ay naaprubahan nila ang budget ng mga iba’t-ibang departamento base na rin sa Senate Finance committee report ng 2023 budget measure:
P974.421 million -Commission on Human Rights
P4.721 billion – Office of the Ombudsman
P8.9 billion – Office of the President
P2.292 billion- Office of the Vice President
P14.397 billion – Department of Agrarian Reform
P102.193 billion- Department of Agriculture
P1.737 billion- Department of Budget and Management
P678.142 billion – Department of Education
P97.447 billion – state colleges and universities
P1.320 billion – Department of Energy
P23.131 billion – Department of Environment and Natural Resources
P22.893 billion -Department of Finance
P20.485 billion – Department of Foreign Affairs
P1.501 billion – Department of Human Settlements and Urban Development
P8.732 billion – Department of Information and Communications Technology
P252.580 -Department of the Interior and Local Government
P27.948 billion – Department of Justice
P49.223 billion – Department of Labor and Employment
P16.094 billion – Department of Migrant Workers
P232.304 billion-Department of National Defense
P737.357 billion – Department of Public Works and Highways
P210.631 billion – Department of Social Welfare and Development
P3.645 billion – Department of Tourism
P6.777 billion – Department of Trade and Industry
P122.555 billion -Department of Transportation
P12.759 B- National Economic and Development Authority
P1.040 billion – Office of the Press Secretary
P52.218 billion – other executive offices
P53.370 billion- Judiciary
P2.001 billion – Civil Service Commission
P13.168 billion – Commission on Audit
P6.487 billion – Commission on Elections
Susunod na hakbang ngayon ng Senado ay ipapakilala nila ang committee at ang mga amendments kung saan pagkatapos nito ay kanilang iaapruba sa ikalawa hanggang ikatlong pagbasa.
Dahil sa sinirtipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos na urgent ang GAB ay maaaring maaprubahan ng senado sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob ng isang araw.
Magugunitang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target nilang maipasa ang final reading ng proposed 2023 nationa budget ng hanggang Nobyembre 23 at kanilang raratipikahan ng katapusan ng buwan.