-- Advertisements --

Suspendido ng dalawang linggo ang plenary session sa Senado dahil sa pagsasailalim sa enhance community quarantine (ECQ) ang National Capital Region mula Agosto 6-20.

Huling sesyon nila ay nitong Miyerkules ng gabi at sila ay magbabalik sa Agosto 23.

Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto III kung saan bago magsara ang session ay kaniyang inanunsiyo ang pagsuspendi ng plenary session.

Paglilinaw pa ni Sotto na tuloy pa rin ang committee hearing ng mga senador basta gawin itong virtual para wala ng empleyadong magpunta sa senado.