-- Advertisements --

TDCA

Kumpiyansa si PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt.Gen. Joselito Vera Cruz na matatamo ng bagong talagang director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang kaniyang misyon lalo na sa kanilang kampanya laban sa mga police scawalags na naglalayon para malinis ang kanilang hanay sa mga pasaway nilang mga kabaro.

Binigyang-diin ni Vera Cruz, mahalaga na manatiling tapat sa sinumpaang tungkulin na may integridad dahil ito ang susi para makamit ang kanilang mandato.

Sa mensahe ng heneral kaniyang ibinahagi ang isang kasabihan mula sa isang British author na si C.S. Lewis, “integrity is doing the right, even when no one is watching.”

Pahayag pa ni Vera Cruz,” for our case in the the PNP, we can safely assume that everyone is paying close attention. Being part, even more so being the director of IMEG entails a certain amount of accountability not regularly seen in other units or designation. It is a given that as public servants and law enforcers, we should uphold ourselves to the highest standards but being in IMEG doubles that responsibility.”

Noong Biyernes, November 12 ,2021, pormal nang nanungkulan bilang bagong direktor ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) si dating CIDG Deputy Director for Administration BGen Oliver Enmodias.

Ang turn over ceremony ay pinangunahan ni Lt. Gen. Vera Cruz.

TDCA2

Pinalitan ni Enmodias si BGen. Flynn Dongbo na itinalaga naman bilang Regional Director ng Police Regional Office 6.

Binati ni Vera Cruz sa BGen. Dongbo sa mga naging accomplishments nito kahit apat na buwan lamang itong umupo bilang IMEG director.

“In the type of work that we have, being in public service as law enforcers, we face all kinds of temptation and trials that would test our distinction and character,” pahayag ni Lt Gen. Vera Cruz.

Hamon naman ng heneral kay Enmodias at sa buong IMEG manatiling consistent at pokus sa kanilang mandato.

“To everyone here today, the challenge now lies in all of you to remain consistent and make sure that you are performing at par with the standards that you promised to uphold,” dagdag pa ni Vera Cruz.

Sa panig naman ni Enmodias, sisikapin niya na mas palutangin pa ang intergridad ng IMEG para malinis ang hanay ng mga tiwaling pulis.

Nabatid na ang pag upo ni Enmodias sa pwesto ay bahagi ng panibagong balasahan ng mga matataas na opisyal ng PNP nitong November 10.

Si Enmodias ay graduate ng Philillippine Military Academy (PMA) Bigkis Lahi Class of 1990.