Pormal nang nag-assume bilang bagong Philippine National Police Academy (PNPA) Director si PMGen. Alexander Sampaga kapalit ni PMGen. Rhoderick Armamento.
Pinangunahan ni PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt.Gen. Joselito Vera Cruz ang turn-over of command ceremony sa tinaguriang country’s premier Public Safety Learning and Training institution ang PNPA sa Camp General Mariano Castañeda, Silang, Cavite, kahapon, September 29,2021.
Sa mensahe ni Lt. Gen. Vera Cruz, ang pangyayari sa Akademiya nitong nakalipas na mga araw ay hindi madali para sa lahat lalong lalo na sa Cadet Corps, dahil may kadete na pumanaw dahil sa hazing.
Binigyang-diin din ng Heneral, na layon ng pagpalit ng liderato sa Akademya ay para ilagay sa tamang perspektibo ang lahat at magsisilbi na rin itong “wake-up call” sa Pambansang Pulisya para tutukan ang mga “concern issues” ng sa gayon hindi na ito mangyari pa sa hinaharap.
Ayon kay Vera Cruz, ang PNPA ay hindi isang regular na Educational institution kungdi isa itong Leadership school kung saan ang mga estudyante ay hinuhulma para maging mga future law enforcers at public servant.
Hamon ni Vera Cruz sa bagong talagang PNPA director na si PMGen. Sampaga, palakasin ang Cadet Corps at i-empower ang mga officers at ibahagi sa mga ito na malaki ang responsibilidad na naka-atang sa kanila bilang bahagi ng Akademya.
” To MGen. Sampaga, now is the time to shine because the attention will be on you now. The recent incident is an eye opener of the weight of the responsibility that we now have in molding the future leaders of our institution,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz.
Kumpiyansa ang Heneral na magagawa ni Sampaga na impluwensiyahan ang mga kapwa “Lakans” para panatilihin ang core values ng institusyon.
Si Sampaga ay miyembo ng PNPA Class 1989 na dating pinuno ng PNP Directorate for Information and Communications Technology (DICT).
Sa talumpati ni Vera Cruz ,kaniyang ibinahagi ang isang tanyag na kasabihan mula sa isang World’s Top Leadership experts na si Robin Sharma, ““There are no mistakes in life, only lessons. There is no such thing as a negative experience, only opportunities to grow, learn and advance along the road of self-mastery. From struggles comes strength. Even pain can be a wonderful teacher.”
Umaasa ang ikalawang pinuno ng pambansang pulisya na sa kabila ng insidente kay 3CL Carl Magsayo, tuloy pa rin ang mga kadete sa kanilang sinumpaang mandato.
” May I also implore on the other officers assigned here in the Academy, especially to the alumni of PNPA, to not let your guards down. This is your chance to give back to your Alma Mater by upholding the ideals it represents,” pahayag ni Vera Cruz.
Pina-alalahanan din ng Heneral ang Cadet Corps na ang hazing ay isang criminal offense at dapat ang mga upperclassmen ang siyang gagabay sa kanilang underclassmen.
” The oath that you have taken upon entering the PNPA makes you scholars of the government and binds you to uphold the virtues of Justice, Integrity and Service to prepare you as future leaders,” dagdag pa ni Vera Cruz.
Sa panig naman ni newly installed PNPA Director MGen. Sampaga kaniyang bibigyan ng topmost priority ang kaligtasan at kapakanan ng bawat kadete.
Nangako din itong bubusisiin muli ang existing policies, rules and regulations lalo na ang pamamahala sa mga kadete.
Hamon ni Sampaga sa mga kadete striktong sundin ang Cadet Guide.
Samantala, si PMGen. Rhoderick Armamento naman ang papalit sa binakanteng pwesto ni Sampaga sa PNP-DICT.
Binati naman ni Lt. Gen. Vera Cruz, si MGen. Armamento sa lahat ng nagawa nito para dalhin ang PNPA sa Global Arena of Police Academies.
Si Armamento ang nasa likod ng PNPA PANATA 2050 Thrust.
Ang nasabing programa ay nakatuon sa facilities and logistical improvements ng PNPA.