-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Suportado ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez ang panukalang muling pagbuhay ng death penalty.

Ayon kay Jimenez na founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kailangang maibigay ang tamang hustisya sa mga biktima ng illegal drugs at heinous crime.

Dagdag pa nito na hindi lang sa naturang mga krimen ipataw ang naturang penalidad kundi maging sa mga nagnanakaw ng pondo ng bayan.

Magiging epektibo lang aniya ito kung aayusin ang mitigation at huwag i-shortcut subalit i-minimize ang delays.

Ayon pa kay Jimenez na kailangang baguhin ang umano’y “bulok na sistema” upang maipagpatuloy na ang pagsasaayos ng justice system.

Samantala, naniniwala naman ang karamihan na posibleng maaprubahan na sa Kongreso ang restoration ng death penalty lalo pa at halos puro pro-admin ang nakapasok sa “Duterte Magic” na pabor sa hakbang.