-- Advertisements --
image 620

Nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa National Capital Region sa gitna ng malakas na pag-ulan ang hindi wastong pagtatapon ng basura, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Iginiit ni MMDA General Manager Procopio Lipana nitong Linggo na narekober ng mga tauhan ng MMDA ang mga basura, tulad ng mga plastik at maging ang plywood plank, na nakaharang sa isang drain malapit sa EDSA-Camp Aguinaldo.

Aniya, sangkaterbang basura ang nakuha sa kabila ng patuloy na paglilinis sa mga daluyan ng tubig. Bukod daw sa talagang maraming basura na nakabara, biglaan din ang pagdating ng tubig at may kaliitan ang mga drainage system.