BUTUAN CITY – Patuloy pang inaalam ang kabuuang danyos matapos masunog ang bahagi ng isang plywood company sa may Purok 7, Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan na nagsimula alas-2:30 ng hapon.
Ayon sa isa sa mga trabahante, nagsimula ang apoy sa bond dry section na kaagad namang lumaki kung kaya’t naglabasan na sila dahil sa kapal ng usok.
Sa eksklusibong panayam naman ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng ground commander ng Ampayon Fire Station na si Bowen Lofranco na pasado alas-3:30 nila nakontrola ang apoy matapos pagtutulungan ng mga fire trucks nitong lungsod.
Ayon naman kay Marjorie Dayahon, secretary ng planta, mula sa punong-puno ng kahoy na bond dry ang apoy na dali namang tumawid sa isa pa sa apat nilang bond dry kung kaya’t nagsilabasan na sila.