-- Advertisements --

Kinondina nina British Prime Minister Boris Johnson at Prince Williams ang racist abuse laban sa ilang soccer players ng England matapos ang pagkatalo nila sa Italy sa finals ng Euro 2020.

Matapos kasi ang pagkatalo ay maraming mga online bashing ang natanggap ng mga black players na sina Marcus Rashford, Jadon Sancho at Bukayo Saka.

Sinabi ni Prince William bilang pangulo ng Football Association na siya ay nasaktan sa nasabing racist abuse.

Nararapat aniya na ito ay matigil na.

Dagdag pa nito na dapat managot ang nasa likod racist abuse.

Sinabi naman ni Johnson na dapat ituring na mga bayani ang nasabing mga manlalaro at hindi abusuhin. .