-- Advertisements --
Nagbanta si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ng maagang halalan para mapigilan ang mga mambabatas na nagtatangkang harangin ang pagkalas ng Britanya sa European Union.
Sa kaniyang talumpati sa Downing Street, mas nanaisin pa nito ang panibagong halalan kaysa sa Brexit delay.
Nakasaad kasi sa batas sa UK na kapag si Johnson ay nanawagan ng halalan ay dapat siyang makakuha ng suporta ng two-thirds ng lawmakers sa House of Commons.
Magugunitang itinakda na sa Oktubre 31 ang pagkalas ng UK sa EU kung saan ipaglalaban ni Johnson ang ‘no-deal’ Brexit.