-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si British Prime Minister Boris Johnson.

Ito ay matapos ang halos isang linggo ng dalhin sa intensive care unit dahil panunumbalik ng sintomas ng coronavirus.

Ayon sa tagapagsalita ng Downing Street, pinayuhan ito ng kaniyang doctor na ipagpatuloy na lamang ang kaniyang paggaling sa bahay nito sa Chequers.

Hindi rin aniya ito makakabalik agad sa trabaho.

Magugunitang noong Marso ay nagpostibo ito sa coronavirus.