-- Advertisements --
Pinayuhan ni British Prime Minister Boris Johnson ang kaniyang mamamayan na patuloy pa ring sundin ang ipinapatupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing at paghuhugas ng kamay kahit na mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa kaniyang talumpati sa Downing Street, ayaw nitong magpakumpiyansa ang mga tao dahil baka biglang tumaas ang kaso kapag hinayaan na hindi ipatupad ang nasabing mga health protocols.
Dagdag pa nito, nalalapit na aniya ang pagbabalik normal ng pamumuhay dahil sa nasabing pagkaimbento ng bakuna laban sa virus.
Magugunitang una ang United Kingdom na nagbigay ng emergency authorization sa COVID-19 vaccine ng Pfizer at BioNTech.