-- Advertisements --
Wala pang balak si British Prime Minister Boris Johnson na tanggalin na ang lockdown na ipinatupad dahil sa coronavirus pandemic.
Sinabi nito na hindi pa napapanahon na tanggalin ang lockdown dahil nasa maximum risk pa ang nasabing bansa nila.
Hinikayat din nito ang mga mamamyan na huwag mawalan ng pasensya sa nararanasang lockdown.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita sa publiko si Johnson matapos itinakbo sa pagamutan dahil sa pagpositibo sa coronavirus ng halos isang buwan.