-- Advertisements --
Hinamon ni Australian Prime Minister Scott Morrison si Serbian tennis star Novak Djokovic na magpakita ng medical exemption mula sa COVID-19 vaccination bago maglaro sa Australian Open.
Sinabi ni Morrison na kapag walang maipakitang genuine na medical exemptions ay hindi sila magdadalawang isip na pauwiin ito.
Magugunitang nabigyan ng Tennis Australia si Djokovic ng medical exemption para makapaglaro sa Grand Slam Tournament.
Isa si Djokovic na kontra sa COVID-19 vaccination kung saan hindi nito ibinubunyag kung nabakunahan na.