Maaaring mapatalsik sa puwesto ngayong katapusan ng linggo si Pakistani Prime Minister Imran Khan.
Ito ay matapos nagdesisyon ang pinakamataas na hukuman ng bansa na labag sa konstitusyon ang kanyang hakbang na harangin ang isang “no-confidence vote.”
Ang “vote of no confidence” ay isang boto kung saan ang mga miyembro ng isang grupo ay hinihiling na ipahiwatig na hindi nila sinusuportahan ang tao o grupong nasa kapangyarihan, kadalasan ang gobyerno.
Noong Linggo, tumanggi ang naghaharing partido ni Mr Khan na magsagawa ng “no-confidence vote” na maaaring magpapatalsik sa kanya.
Binuwag ng kanyang gobyerno ang parliyamento at nagpatawag ng snap election.
Pinagalitan ng political blindside ang oposisyon na agad namang naglunsad ng apela sa Korte Suprema.
At bilang pagtugon sa desisyon ng Korte Suprema, inihayag ni Mr Khan na nagpatawag siya ng pulong ng gabinete saka siya maglabas ng pahayag.
Nauna nang iginiit ni Mr Khan na ang kaniyang political oppositions ay nakikipagsabwatan sa US na tanggalin siya dahil sa kanyang matalik na relasyon sa Russia at China.
Itinanggi naman ng Washington ang kanyang pahayag.