-- Advertisements --
Tiniyak ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na kaniyang tatanggalin na ang prostitusyon sa kanilang bansa.
Isinagawa nito ang pahayag sa 3-day congress ng Socialist Party sa Valencia.
Dagdag pa nito na ang prostitusyon ay isang uri ng pag-aalipin sa mga kababaihan.
Noong 1995 ay na-decriminalise na ang prostitusyon sa Spain at sa pagtaya ng United Nations noong 2016 ay mayroong kita ang prostitusyon ng $4.2 bilyon.
Wala kasing kaparusahan ang sinumang maarestong nag-aalok ng panandaliang aliw.