-- Advertisements --
PMA entrance baguio

Nasa 1,018 cavaliers ang dumalo sa Philippine Militar Academy (PMA) Alumni homecoming ngayong araw.

Ayon kay PMA spokesperson Captain Cherryl Tindog mababa ang bilang na ito kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon na umaabot sa 1,900 o kaya naman halos 2,000.

Kabilang daw sa maaaring dahilan nang pagbaba ng bilang ng mga attendees ay bunsod sa COVID-19 scare.

Sinabi ni Tindog, itinuloy na rin ng ibang PMA class ang kanilang activity noong nakaraang linggo.

Kinilala naman ni Capt. Tindog ang pinakamatandang cavalier na dumalo sa homecoming ay si Carlos Chuck Agustin, 83, miyembro ng PMA Class 1959.

PMA Cherryl Tindog 2
PMA spokesperson Captain Cherryl Tindog

Habang ang pinakabatang cavalier na dumalo ay si James Benedict Barranco, 22, miyembro ng PMA Class 2019.

Kinumpirma rin ng PMA na dahil sa coronavirus scare, pansamanatalang suspendido rin ang priviledges ng mga kadete.

Tulad na lamang na hindi sila maaaring basta lumabas sa akademya.