-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inspirasyon para maging ganap na sundalo ng rank no.6 ng Philippine Military Academy Bagong Sinag Class of 2024 na si incoming 2nd Lt Alexan Mye Valen ang kanyang retiradong lolo at ibang mga kapamilya na aktibo rin ng serbisyo sa Philippine Army ng bansa.

Ito ang ekslusibo na paglalahad ni Valen na tubong Kapatagan,Lanao del Norte ng Northern Mindanao sa panayam ng Bombo Radyo ilang araw bago ang kanilang commencement o graduation rites ng akademya sa Baguio City.

Sinabi ni Valen na hindi nito inaasahan na papasa man lang sa PMA entrance exam noong panahon na katatapos lang nito mag-graduate sa Senior High School Program na nasa kasagsagan pa ng COVID-19 pandemic.

Dagdag ng 22-year old na incoming PMAer na sariwa pa sa kanyang isipan kung ilang beses itong umiyak dahil muntikan nang tumigil sa pakikipag-sapalaran habang naka-in-house sila sa headquarters ng Eastern Mindanao Command ng AFP bago pumasok sa akademya.

Paliwanag nito na mas pinili nito na tahakin ang Philippine Army service dahil mas magagamit umano niya ang kanyang angking abilidad at kasanayan para sa serbisyong-bayan.