Ikinatuwa ng PMA CLASS 1967 ang golden jubilarian ngayong taon sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi niya pahihiyain ang klaseng nag adopt sa kaniya.
Sinabi ito ng pangulo sa ginanap na dinner kagabi sa Baguio country club.
Ayon kay PMAAAI chairman Anselmo Avenido na miyembro ng PMA class 1967 na masaya sila sa naging pahayag ng pangulo.
Ngayong umaga pormal na ico confer bilang honorary member ng PMAAAI ang pangulo.
Si Pangulong Duterte ang siyang panauhing pandangal sa PMA alumni homecoming ngayong taon.
Magpapahayag din ang PMAAAI ng kanilang buong suporta sa pangulo.
Nasa 12 mga cavaliers ang pararangalan ngayong umaga ang paparangalan bilang mga outstanding alumni.
Inaabangan din ang pagdating ni senator antonio trillanes dito sa alumni homecoming dito sa Baguio city.
Si Trillanes ay miyembo ng PMA class 1995.
Ibinunyag kasi ni Trillanes na maraming tagong yaman ang pangulo at sangkot din ito sa korapsiyon.
Ang pma class 1992 ang silver jubilarian
Samantala, nasa 15 degrees celsius ang temperatura ngayong umaga Baguio city.
Maaga pa lamang trapik na ang daan patungong PMA.
Maraming pulis din ang naka deploy sa mga kalye bukod sa pagbibigay seguridad sila din ang nagmamando ng trapik