-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang Malacañang sa makarating na balitang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang nalunod nito lamang Biyernes.
Magugunitang natagpuan sa ilalim ng swimming pool ang katawan ni PMA Cadet 4th Class Mario Telan Jr., kasunod ng kanyang naging swimming lessons.
Iniimbestigahan pa kung may naging foul play sa nangyaring ito.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangan nang pag-aralan ng PMA ang kanilang mga protocol para tiyaking ligtas ang kanilang trainees.
Ayon kay Sec. Panelo, nanghihinayang ang Malacañang sa gaya ni Telan na maaaring isang maging magaling na opisyal sakali matapos niya ang training at makapaglingkod sa gobyerno.