-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inilabas na ang resulta ng Philippine Military Academy (PMA) Entrance Examination na idinaos sa 44 na exam centers sa buong bansa.

Ayon sa akademya, mula sa 22,785 na mga cadet aspirants na nakibahagi sa eksaminasyon ay 506 ang nakapasa.

Isinagawa ang PMA Entrance Examination mula August 30 hanggang October 10 sa mga major military camps at mga public gym sa iba’t ibang lugar ng bansa sa pamamagitan ng “clustering” at “staggered dates” dahil pa rin sa kasalukuyang sitwasyon ng coronavirus pandemic.

Matapos makapasa ang mga cadet aspirants ay sasailalim sila sa complete physical and medical examination.

Samantala, hindi pa naisasagawa ang PMA Entrance Examination sa Cabanatuan at Vigan habang bubuksan ang ikalawang yugto ng pagsusulit sa Tabuk City, Kalinga.

Nakabukas naman ang hotlines ng Office of the Cadet Recruitment and Admission ng PMA sa mga numerong 0919-068-0877 at 0919-068-0878 para sa mga katanungan.